ASINTADO, Kumasa na!
Isa-isahin natin paano ba nagsimula ang lahat at paano ginanapan nang mga dekalibreng mga artista?
Mula sa isang narration, nagsimula sa isang preview nang pagkamatay ni Ana sa kasalukuyang panahon. Kung paanong babangon mula sa kanyang pagkabata na sinimulan sa simpleng buhay nang pamilya, bilang security officer na si Robert (Luis Alandy) at simpleng maybahay na si Criselda (Tanya Garcia).
1. Cherie Pie Picache
Isa sa dekalibreng artista, isang papel sa Asintado bilang Celeste Ramos ang muli na namang nagmarka, bilang isang member nang political movement, ang hangarin ang isiwalat ang mga katiwalian, pero nabigo siya, pero nagmarka ang galing nang acting mula sa pagtakas sa negative na operasyon hanggang sa pagtuklas sa magkapatid na Juliana at Samantha dahil sa ebidensyang hawak nang ama. Ano ang papel niya sa magkapatid? Makukuha pa kaya ang ebidensya??
Ang tanong? Nasaan na kaya ang ebidensya na nasa mga kamay ni Samantha? Sana lang di malihis sa ebidensyang ito.
2. Lorna Tolentino
Isang pagganap bilang kontrabida na si Miranda Ojeda na may malaking lihim sa pag pain sa negative na operasyon ni Celeste. Isang pinagpipitaganang artista, na mapa bida or kontrabida ay mararamdaman mo ang bawat titig at linyang binibitawan. Ano ba ang papel nya sa Pangulo? Ano ba ang papel niya kay Salvador Del Mundo? Sino ba siya sa buhay ni Ana?
Pero ang tumatak sa #Panimula nang Asintado ay ang pagganap nang dalawang bata na sina Myel De Leon at Jana Agoncillo bilang mga batang Juliana "Ana" Ramirez at Katrina "Samantha" Ramirez.
Kung paanong naantig ang puso natin sa pagkamatay nang mga magulang dahil sa pagpapasunog ni Miranda, dahil nalaman na nakay Robert (Luis Alandy) ang ebidensya.
Isabay pa ang madamdaming pag ganap ni Jana bilang isang panget na bata kung saan tampulan nang tukso. Dahil dito napilitan siyang ikulong ang kapatid na si Juliana upang siya ang piliin ni Hilary (Agot Isidro) na kung saan nangungulila sa anak na nasunog din.
Pero ang mas nakaka antig ay ang paghabol ni Juliana sa ate niyang si Katrina.
Makabagbag damdamin ang paghabol niya habang umiiyak.
Typical na istorya, ang pamilyang nahahati sa antas nang lipunan. Mula sa mahirap hanggang sa mayayaman na pinaiikot nang pulitika.
Hindi na bago ang ganitong format nang istorya, pero sa ganitong istorya umiikot ang buhay nang bawat isa, bawat isang pamilya na sinusubok nang mga problema, pero nagtatapos sa pagmamahal sa pamilya.
Kung ano man ang kahahantungan nang seryeng ito, tiyak ay buhay nang bawat pilipino pa rin ang ipapakita dito.
-YdwardosExpressions
Comments