SENIOR HIGH SCHOOL - UNANG PAGTATAPOS
Isang karangalan na magbigay nang ilang mga salitang, sanay tumatak sa kanila. Pero ano nga ba ang mga pagkukulang pa sa ganitong pagbabago? Ang Senior High School Graduates?
Una, maaring oo at sapat na ang kaalaman nang ating mga guro sa kaalamang kanilang maaring ibahagi. subalit tanggap ba nang mga kabataan na tanggapin ang mga ito?
Pangalawa, saan? paano? at ano ang maaaring puntahan nang mga mag-aaral? May papasukan ba sila sa hinaharap? magtatrabaho na ba sila o ipagpapatuloy ang kanilang pag-aaral? Para sa inyong lingkod, dapat na mag-aral pa, upang maihanda pa ang mga sarili sa mga susunod na pagbabago.
Pangatlo, nasaan ang kahandaan ng gobyerno? may sigurado ba silang trabaho na maibibigay?
Handa na ba ang mga kumpanyang tumanggap sa mga nagsipagtapos na bigyan na pagkakataong ipakita ang napagtapusan? Dahil sa totoo lang, mas marami pa rin, halos nga lahat pa, na tinitingnan kung ano ang natapos mo.
Maraming tanong pero patuloy na ginagampanan, opo! patuloy na ginagampanan nang mga guro na sila ang tunay na may kabahagi sa pagbabagong ito. Maaring madali sa iba, pero mas marami ang nag-aadjust upang makatupad lang sa kanilang mga tungkulin.
Nakakapagod magtanong, nakaka-pangamba ang magiging resulta pero alam natin na ang pagbabagong ito ay may magandang maidudulot sa hinaharap o darating pang bukas.
Isang pagpupugay sa mga gurong patuloy na ginagawa ang mgaa tungkulin at gmpanin sa bawat kabataan, mabigyan lang nang dekalidad na kaalaman.
Bilang pagpupugay, hayaan nyong ibahagi ko ang spoken words na ito, na bahagi nang aking talumpati sa nakaraang pagtatapos ng Senior High sa aking Alma Mater.
Handa sa Hamon nang Buhay
(para
sa k-12 graduates – part of my Guest Speaker Speech last April 3, 2018)
Mga
Magulang!
K-12
na programa kinagulat nang lahat, sa inyong mga kabataan sabi ay pahirap
Pahirap
sa magulang lalo pa at salat, salat sa pinansiyal sa aral na pang tumbas
Na
kahit di gustuhin, kelangan gumanap, gumanap sa batas na pinatutupad
Mataguyod
lamang pangarap sa anak, itong pag aaral ay mailalampas.
Mailampas
lamang sa dalawang taon, taon na ang gabi’y araw na rin ngayon
Katawa’y
binanat, kataway pinagal, katawang puhunan sa’yong pag-aaral
Maitaguyod
lamang nang buong pagmamahal
Maihatid
ka lang nila sa inyong tagumpay.
Ang
Eskwelahan!
Hamon
nga sa inyong buhay ang kelangang simulan
Ngunit
Eskwelaha’y handa nga bang tunay, tunay na ang guro ang tinatamaan
Na
tanging layuni’y kayo ay handugan , handugan nang alam sa kinabukasan
Kinabukasang
dito sa inyong paaralan, kayo ay hinanda, at sadyang sinanay
sinanay
sa apat na sulok nang kwartong paturuan, na tanging layunin ay inyong malaman
Malaman
ang lahat sa patutunguhan, na nagmula dito sa inyong Eskwelahan.
Nagsipagtapos!
Di
mo man aminin, di mo man masabi, di mo man masambit
May
nagawa ka rin na minsa’y makulit, sa iyong magulang , sa guro’y nagalit
Minsang
mga mali iyo ring naisip, iyo ring pinilit kahit sa kanila ito ay masakit
Inunawa
pa rin ang ‘yong mga galit, galit na minsang sa’yo ay lumupig.
Ito
nga ay hamon sa inyong karakter, sa Hamon nang buhay ay maging handa rin
Handang
ituwid ka at muling isipin, silay kaakibat sa landas na ‘yong tatahakin
Kahirapa’y
dala, at iyong pasanin , upang maging bala, maging gabay mo rin
Pangarap
na gusto, tiyak mararating.
Nagsipagtapos
sa inyo nga’y hamon, Hamon nang ‘yong bukas simula na ngayon
Ang
inyong pagpili, ang inyong kahapon, ang tanging bala nyo sa dako pa roon
Sa
dako pa roon na may nakaharang, ang takot , ang lungkot sa inyong paglisan
Tanging
kaakibat inyong kaalaman, at ang pagmamahal ng inyong magulang.
Kaya
nga’t payo ko, wag kayong susuko sa inyong pangarap
Sa
inyong dahilan o anumang hirap, hirap na kala nyo ay wala nang bukas
bukas
na wala nang liwanag, Bukas kung saan naroon ang pangarap,
Pangarap
na kayo, Kayo ang tutupad.
Comments