SANG'GRE? O SANGRE?

Mga Ka-Isyu! Sang'gre o Sangre? .... Ginagaya nga ba? 
Bawat Pilipino ngayon ay 'di maikakaila na patuloy na sumusubaybay sa mga teleserye mula noon pa man. Marami ang nagtatalo, nag-aaway at minsan nga ay nakaka-sira pa ng pagkakaibigan dahil sa mga sinusubaybayang mga tele-nobela o mas kilala ngayon na teleserye.

GMA at ABS-CBN! yan ang dalawang higanteng Istasyon ng Telebisyon na palagiang naglalaban at nagtatapatan. Hindi ko ba naman kasi maintindihan kung bakit kelangang pagtapatin ang mga programa nila? Sabagay dahil na rin sa laganap na mga endorsement at komersyal kung bakit ito nangyayari! 

Ngayon ito na naman! Muling nagtatalo ang mga tagasubaybay ng Kapamilya at Kapuso sa kung sino ba naman ang NAUNA sa kilalang salita na SANG'GRE O SANGRE, kasama na ang mga orihinal na mga may akda ng Mulawin noon mula sa GMA 7.


Sangre!  na ibig sabihin ay Blood! La Luna Sangre sa Spanish na ibig sabihin naman ay Moon Blood. Sa isang banda wala namang mali sa pagkaka sulat dahil iyon ang talagang katumbas na salita. Bagaman at sinasabi na naunang gumamit ang GMA 7 tanyag na salita taong 2006 sa pagkakasulat na SANG'GRE na bagaman at may punto dahil nagsimula ang Lobo nina Angel Locsin at Piolo Pascual nong 2008 at ang Encantadia naman ay 2006, ay hindi pa rin masasabi na nanggaya o nang-kopya ng salita dahil unang una may basihan, sabi nga, kahit itanong mo pa kay Google. Sa pagkakaunawa ko rin ang paggamit ng salita ay di mo pwedeng harangin hanggang wala kang matibay na dokumento na ikaw ang may likha nito, ito naman ay Isyu ko lang. Mabalik tayo sa SANGRE na salita. Noong ginawa din ang Immortal na pangalawang yugto ng naunang Lobo na pinagbidahan nina Angel Locsin at John Lloyd Cruz,  gamit na gamit na ang moon blood. Hindi man hayagang nagamit ang salitang Sangre, alam natin na moon blood ang tinutukoy sa tuwing titingala sa langit si Lia. Sa Palagay nyo mga ka Isyu? May Isyu ba?


SANG'GRE! Isang Termino ng Enchanta na tumutukoy sa mga Diwata na may espesyal na kapangyarihan. Sa unang bigkas ay talagang magkatunog nga naman! pero sa pagka-kahulugan ay malayong malayo. Maliban sa kahulugang iyan ay wala nang iba pang kakikitaan , uulitin ko mga ka-Isyu1, kahit itanong mo pa kay Google. 

Ang Isyu dito mga ka-Isyu, hindi kaya sumasabay sa ingay ang GMA 7 upang humina ang napakataas na rating ng La Luna Sangre? o sadyang wala nang maipang-tapat ang GMA 7? O baka nga naman kaya ang ABS-CBN ay sadyang binabato dahil sa hitik na bunga nito? O baka naman kelangang suriin din nila ang kanilang mga nililikha nang sa ganun ay mabigyang pansin din nila ang tinatawag na copyright, kung mayroon man. 

Ganun pa man mga ka-Isyu, dapat pa rin nating pahalagahan ang layunin ng bawat istasyon na makapagpasaya ng kanilang mga taga-subaybay. Dapat din nilang pagtuunan ang kanilang mga kahinaan. Bakit nga ba bagsak sa rating? baka may mali sa character? bakit ang lakas-lakas ng rating? baka dahil gusto ng taong bayan. Hindi na mahalaga kung sino ang malakas at sino ang mahina, Ang mahalaga dito ay makapagbigay nang kasiyahan sa milyon-milyong pilipino na naghahangad ng ikaliligaya alin man ang panoorin nila.

- Edzpressions


Comments

Popular Posts