ATTENTION: KIAN, PAMUKAW O ISANG PAGKAKAMALI?
"Hustisya para kay Kian!", "Itigil na ang pagpatay"!! ilan lamang iyan sa mga laman nang balita sa ngayon. Marami ang napupukaw ang damdamin, marami ang tulutuligsa sa pamahalaan, marami na ang nagbibibgay nang simpatiya para kay Kian.
Sa isang banda, nakakatakakot na ang mga nadadamay na biktima, pabata na nang pabata. Baka bukas hindi natin namamalayan kahit ang mga anim na taon ay kanila na ring pagdudahan dahil nga raw mga menor de edad na ang katulong ng mga pusher at user ngayon, di ba noon pa naman ganun na ang kalakaran?, napukaw lang uli ngayon dahil may menor de edad na napatay?
Sa bahagi nang mga pulis na inaakusahan na pinatay daw talaga si Kian, at nagsasabi din na nanglaban ang bata, maaring tama din ang sinasabi nila, dahil unang-una, kung ikaw ay sinasaktan na, maari nga na manglaban ka, sino ba naman ang tao na di papalag kapag nasasaktan. Pero kung lehitimong operasyon iyon, at alam ninyo na may ginagawang di maganda ang bata, bakit hindi ninyo inaresto na lamang? Maraming mga pagkakataon na madakip siya o mahuli sa tamang paraan, pero bakit kelangang kaladkarin at mahantong sa madugong patayan? Bakit kung nanglaban, bakit kelangan tatlong bala ang tumama sa kanya? Hindi ba may paraan kayo para kahit papano ay mapahinto sa panglalaban ang isang inaaresto? Halimbawa barilin sa paa, o sa balikat man lang? bakit kelangang sa batok o likod? Wala bang proper training para sa mga ganyang operasyon o baka naman kaya puro recruit na lang nang mga kapulisan para mapalakas ang pwersa nang sumusuporta sa Pangulo, subalit wala nang sapat na kakayahan o kaalaman?
Madali lang magtanong para sa isang tao na walang kinalaman sa mga prosesong pinapairal, madali lang manghusga sa taong nakakapanood lang pero hindi alam ang tunay na istorya. Pero mas madali yatang maunawaan kung may mga kasagutan sila na inihahain o ipinapaliwanag kung bakit nangyari ang ganito kay Kian? Sabihin na natin na may kasalanan siya, sabihin na natin na nagtutulak siya nang droga, sapat na bang ipalit ang buhay niya sa kakarampot na halagang kanyang nakukuha sa droga? Ka-isyu, kung ganun lang din naman kadali ang lahat, bakit di natin gawin sa mga malalaking sindikato nang droga ang mga yan dahil sigurado naman ako, manlalaban din naman. Pero hindi eh, kabaligtaran ang mga nangyayari, kung sino pa ang mga mayayamang sangkot sa droga, sila pa itong idenedepensa sa hukuman at pinipipilit na ipawalang sala.
Para sa pamilya ni Kian Delos Santos, isang pakikiramay nang bawat pilipino ngayon ang tangi na lamang niyang nakakamit, marami ang sumisigaw nang hustisya, marami ang nagpoprotesta sa nangyari sa kanya. Pero ang tanong hanggang kelan ang tinatamong suporta? hanggang kelan mag iingay ang taong bayan para sa hustisya niya? at ang pinaka isyung tanong KAILAN? Kailan makukuha ni Kian ang tunay na hustisya?
Sinasabi na nagiging santo o banal ang isang tao kapag namatay na. Sa kwento ni Kian, tama at nangyayari na tinatamasa niya ngayon ang awa. Ang pagkilala sa pagkatao nya ay ganun na lamang, mula sa pagiging mabait na bata hanggang sa mga pangarap sa niya sa buhay ay alam na natin. Pero ang tanong, gaano ba natin siya kakilala para paniwalaan man o hindi na may kinalaman siya sa droga o wala, para lang masabi na nakikiramay tayo. Wag na tayong magpaka-ipokrito mga ka-Isyu, dahil ang totoo tanging simpatiya lang ang magagawa natin. Pero ganun pa man, isang malaking tulong iyon para sa kanyang pamamayapa. Sabihin na natin na may kasalanan siya, may ginawa talaga siyang mali, Hindi pa ba sapat ang buhay niya na naging kapalit para kamuhian natin siya?
Sa mga nagsasabi na totoo ang mga akusa kay Kian, tinanong nyo ba sa sarili nyo kung bakit nya iyon ginawa?
Sa pangyayaring ito mga ka-isyu, dalawa lang ang pwede nating tingnan, Ang nangyari ba kay Kian Delos Santos ay sadyang pagkakamali lamang na pilit na nilulusutan nang mga kinauukulan sa paglalabas nang mga maling impormasyon, testigo at kwento upang nakawala sa pagkakamaling nagawa nila? O ito ba ay isang pamukaw hindi lamang sa mga namumuno nang pamahalaan kundi para sa ating lahat?
Para sa ating Pamahalaan na ginagawa ang lahat upang malabanan ang droga, sana'y makita hindi lamang ang mga maliliit na sangkot sa droga, kundi ang mga malalaking pinagmumulan nito. O sadyang ipagpapatuloy ang pagprotekta sa mga kapulisan kahit na alam nang lahat na hindi na sapat ang protekta lang, kundi ang pagpapatupad nang tamang proseso at paghikayat sa mga kapulisan na gawin ang tamang paraan kung papaano gampanan ang tungkulin? Lahat nang nangyayari, at lahat nangyayari patungkol sa droga, isa lang naman ang tanging pinagmulan, ang KAHIRAPAN.
OO, KAHIRAPAN, kahirapan nang buhay, kawalan nang trabaho na maipangtutustos sa pamilya, dulot nito hiwalayan, pagkakawatak watak nang pamilya, pagkapariwara nang mga kabataan hanggang humantong sa kamatayan. Ito ang dapat na tinututukan nang pamahalaan, OO malaking tulong ang pagpuksa sa droga, pero san ba nagmula ang mga gumagawa nito? di ba sa kawalan nang ikabubuhay para sa pamilya? Bakit hindi pagtuunan nang pamahalaan ang kahirapan at kawalan nang trabaho nang karamihan nang bawat Pilipino? Bakit? dahil walang pondo? o sadyang nasa bulsa lamang nang mga buwayang politiko? Isang pamukaw sa mga isip nang mga namumuno, sana lang totoong namumuno ang patayan ay hindi isang solusyon, lalo kung ang hustisya ay di kayang ibigay at bigyang katarungan.
Mga ka-isyu, ikaw na ang humusga sa nangyaring ito, tatahimik ka lang ba o sadyang tatanggapin na lang natin ang kalakaran na noon pa man ay atin nang tinatamasa.?
Comments