ALAMIN! Mga Ilang Ritwal sa Pagsalubong sa Taong 2018!


Ilang oras na lang 2018 na! Pero bago maglipat taon, ano ba ang kelangang ihanda sa pagpasok nang bagong taon?
Nasa ugali na nang bawat pilipino na maghanda sa pagpasok nang bagong taon. Nariyang magsusuot nang pulang damit, ang iba naman polka dots ang damit na sinusuot. Ang iba naman kung ano ano ang mga ritwal, at isa na ako don, mula sa isa sa aking mentor, na isa sa mga ritwal ko ay ang paglalagay nang limang bagay sa lamesa bago mag new year hanggang matapos ang unang araw nang bagong taon!

1. Bigas
 Ang bigas sa isang lalagyan na punong puno ang pagkakalagay. Ito ang simbolo na maging masagana ang biyaya sa buong taon, ito rin ang sumisimbolo sa biyaya nang pagkain sa araw araw.

2. Bulak
Bulak, magaan at malinis na sumisimbolo sa magaang pamumuhay sa buong taon. Ito rin ang sumisimbolo sa malinis na kapaligiran at malinis na gawain sa pang araw araw. 
3. Asin 
Asin na sumisimbolo sa tamang timpla nang pamumuhay at magbibigay nang ibat ibang sigla sa bawat kaganapan nang buhay sa buong taon. Ito rin ang sumisimbolo sa pagtataboy nang masamang vibes nang buong bahay.

4. Asukal
Ang asukal ay simbolo nang tamis nang pagsasama di lang sa mga magka partner kundi sa bawat miyembro nang buong pamilya na maging mas matamis ang pagmamahalan at pagsasamahan.

5. Tubig
Ang tubig para sa lahat ay buhay. Sa pagpasok nang taon kelangang puno nang tubig at umaawas sa lalagyan para sa matiwasay at maginhawang buhay na walang pagkauhaw at pagkukulang sa buong darating na taon.


Ang iba naman ay prutas, halos makipagsiksikan sa palengke makabili lang nang ibat ibang prutas, at nakakataka, lahat halos nang bilog ay na prutas lumalabas sa panahong ito! Parang na-hoard nong mga nakaraang araw. 

Lahat nang yan ay nagawa ko na at patuloy na gagawin. Pero ano pa man ang mangyari, totoo man ang lahat nang ito o hindi, palagi dapat kaakibat ang sipag at pagsisikap. Hindi kelangang lamunin tayo nang mga ritwal na ito para di na tayo magpunyagi sa ating mga sarili. At darating ang time na di na natin paniniwalaan dahil walang nangyari sa atin sa buong taon. 

Wag sanang maging dahilan ang mga paniniwalang ito na mabalewala ang mga pinaghirapan mo o natapos natin, propesyonal man o hindi! Pwede naman nating pagsabayin ang paniniwala at pagsisikap. Iba pa rin ang sinasamahan nang gawa! 

Higit sa lahat! Ang pananalig sa Diyos na lumikha at may gawa nang lahat! Panalangin, paniniwala at gawa! Yan ang magbibigay sa atin nang swerte sa papasok na taon! 

Isang manigong bagong taon sa lahat! 

-YdwardosExpressions

Comments

Free to comment po ang lahat.

Popular Posts