#BIYAHENIDWARD, inikot ang 82 Municipalities

#BiyaheniDward 2017
Thank you #CARDMRI

Bago matapos ang taong 2017, hayaan nyong ibahagi ko ang mga lugar na naging bahagi nang aking 2017! Ang hashtag na BIYAHENIDWARD ay natapos na para sa 2017, pero muling aarangkada sa 2018.
Mula sa bayan nang pambansang Pahiyas, LUCBAN at karatig bayan na SAMPALOC at TAYABAS...di malilimutan ang masarap na longganisa. MANDALUYONG, sino di makakarecognized nang traffic..un lang. TAGKAWAYAN, ang masarap na hipon at alimango mula sa DEL GALLEGO. Dumako tayo sa bicol sa bayan nang SIPOCOT, CALAGBANGAN at LUPI kung saan may masarap na Chicken Inasal. Isama na ang  SORSOGON, sayang lang at saglit lang aq don na nong mga panahong un ay puno nang sundalo sa kalsada dahil may govt alarm. Sino ang di makakalimot sa Labuyo ice cream nang LEGASPI? Ang Ruin nang Cagsawa sa DARAGA? at xiempre ang pagdayo ko rin sa MALILIPOT na may masarap na tinola. 


Ung napadaan ka lang sa KALIBO papuntang CULASI, mahaba habang biyahe din un ha halos masuka nga ako eh. Pero sulit naman nang mag MARARISON ISLAND na. Nakapagsimba pa aq sa SEBASTE church at nakapag area din sa BARBAZA, sayang lang at di nakapaligo sa malaking kawa. Ayon biyahe uli sa kabilang side nang Panay Area sa PASSI CITY na bahagya kong naintindihan ang misa kasi ilonggo! At naka area din ako sa kinatatakutang bayan nang aswang ang DUENAS! pero ok naman, payapa kaya don pati rin sa POTOTAN. Pero nong natulog ako sa CALINOG don ako dinayo nang malaking paruparo ganap na alas tres nang madaling araw..ayun di na ako nakatulog hanggang umaga. At dahil umalis ang mga staff, gora ang lolo nyo sa ILOILO city sabay fastcat papuntang BACOLOD! ang city of smile! Papalampasin ko pa ba ang TALISAY CITY kung saan matatagpuan ang sikat na Ruins..ayun selfie pa more! At ang simbahan di rin pwede palampasin isama pa ang selfie at moment sa sunset.  Balik tayo nang Panay, sa ESTANCIA masarap ang bulad di maalat ganun din sa AJUY. Dumako tayo sa Eastern Samar, BORONGAN CITY tamang selfie sa I love Borongan., ung tipong muntik kana maloko nang pasahero papuntang LLORENTE buti mabait si manong driver. Pero ito ang malupit, MASBATE CITY, unahin natin ang AROROY, yong makakarinig ka nang mga kwento about gold..as ginto ang usapan! Kaya yon nag selfie na lang sa gold na I Love Aroroy, collection eh. Pero nong nag area aq nang BALENO, na naka habal-habal, wag ka deretso sa banka papuntang isla, at don ako ginulat nang gipaw nang isda! Bigla ba namang mag ala flying fish ang mga isda!! Enjoy din sa pag silip sa mga corals. 




 Dumako tayo sa kabilang side nang Masbate, sa CATAINGAN! tamang watch lang ako nang mga ibon sa rooftop. At don sa ESPERANZA, yon na ata ang pinaka malayo MBO na napuntahan ko at again, habal habal pa ha? Pero wag ka, sulit naman sa lunch!! Alimango ba naman! Of course bago umuwi, BUNTOD REEF muna! Ung nakarecognized nong baling bali kong leeg sa white sand?? Don yon! Kasama na ung selfie sa I Love Masbate sa isang barangay don. Siyempre kahit busy training muna sa INTRAMUROS! napuntahan din sa wakas ang Manila Cathedral sa tinagal tagal, nagdasal lang din nang saglit bago umuwi. After that, larga naman sa ALAMINOS CITY, sumaglit ulit sa BOLINAO at nakapag isla pa sa SIAPAR ISLAND yong di ka sanay sumakay sa bangkang walang katig! sa CANDELARIA nagpa exam lang ako don nang mga for promotional saka sa Lucena City. pero itong LUCENA CITY ang memorable sa akin, dito aq umexam sa LET eh at sa wakas nakapasa naman. Then ayun balik ako nang BALANGIGA Samar, kasagsagan noon nang issue sa kampana nang Balangiga, kung naisauli na yon baka naiuuwi ko. Sa GEN MAC ARTHUR kala q don ung shrine nang I shall return, hindi pala, ang layo pala non, pero masarap ang isda, sinigang ba naman, sariwa! Pagkatapos non, biyahe ako pa ORMOC CITY,  eh kakalindol non, xiempre afraid baka may after shock, sayang lang di ko nakita ung gumuhong building, nainspection sana! Charot! Pero ito na, travel goals eh, CEBU CITY, kung saan solo man ako, sa LAPU LAPU CITY, na enjoy ko naman, TEMPLE OF LEAH, TAOIST TEMPLE, 10000 ROSES, MAGELLAN'S CROSS, at xiempre ang BASILICA DE STO NINO! takenote isa at kalahating misa ako don ha! Lahat naman nang mga sidetrip ko dukot bulsa ko yon! Ang highlight nang trip sa TAGBILARAN CITY BOHOL! Nakaguyo ako sa picture ko sa PANGLAO na kunwari nasa korea.. Isama pa ang pag iikot sa buong BOHOL. CHOCOLATE HILLS, TARSIER SANCTUARY sa LOBOC, SHIPHOUSE, BEE FARM, at HINAGDANAN CAVE sa CARMEN dahil yan sa walang humpay na hired 24 hours motorcycle, 400 pesos lang un. Plus gas na mga 200 cguro. Wala ako masyadong SELFIE dito, kasi may taga picture ako, hehe. Back to Samar again, sa SULAT, wala binasa ko lang ung sulat na di mabasa basa at di maideliver! Pero sarap nang nilagang saba don, pati alimango wagi! Sabay larga sa CATBALOGAN CITY, don sa SAN JORGE, saglit lang din kc ay nagpa TACLOBAN CITY ako kc ay resource person ang lolo nyo. Nakahotel, infairness! Andun na lang din kaya sinulit ko na ang PALO LEYTE, nagsimba lang! After non, Resource Person ulit sa ILOILO CITY, pero di pinalagpas ang MOLO, nagpray din sa church, at selfie siyempre, di pwede mawala yon, isama pa ang pagkain nang ice cream na bulaklak! Sarap din naman! at sa JARO CITY, kung saan napulot si Grace Poe, pero di aq nakapunta sa altar at may kinakasal, tututol nga sana ako eh, "alis dyan magseselfie ako" kaso nahiya ako. 'Yong puyatan ulit sa MALASIQUI! pero ok lang may katulong naman ako kaya di masyado napuyat! After nang Norte, sa bayang sinilangan naman! INFANTA! Dahil malapit lang, uwian, natuloy din ang naputol na staff orientation last year. Then area din naman nang REAL, malapit lang sa unit! Walang masyadong ganap at nasa hometown! La Union naman tayo! SAN FERNANDO! ito 'yong biyahe na makatulog magising kana lang. Binalikan ko rin ang STO TOMAS, ang layo nang area, buti maganda ang kaparangan, nakapag selfie pa na parang haciendero, pero napaisip din ako, Pilipinas pa ba yon? Pag uwi ko, deretso naman sa LIBMANAN, Bicol again! masuka suka na naman ako, nakaikot din sa PAMPLONA at sa PASACAO, don sa daan sa bicol na, derederetso nga pero, para namang dagat na alon alon! 'Yong pabalik balik nang Eastern Samar, GUIUAN naman ngayon, motor papuntang SULANGAN, nice road trip, napapunta pa sa makasaysayang simbahan! 'Yong simbahan na, nasira na lahat nang kabahayan noong Yolanda, pero siya buo pa rin, ginagabayan siguro nang napakaraming Santo doon.



Out muna tayo sa Pilipinas, HONGKONG muna tayo, solo lang pagbiyahe, pero with my ate sa Hongkong, tamad ako magpicture don, chos! 3 days lang aq don pero sulit naman bonding namin magkapatid! Nag TRAM, nag THE PEAK, nag Market sa CENTRAL HONGKONG, nag DISNEY siyempre, di ka daw nag hongkong pag di ka nag Disney. Nag NGONG PING Buddha! At kung ano ano pang mga eksena sa mga street sign na tunog pinoy pag binasa mo, kung tamad ka maglakad! Wag kana mag Hongkong!
Last stop for 2017, DAVAO and NORTH COTABATO, unahin natin ang KABACAN, Ilang oras na lang, Marawi City na, buti tapos na gera noon, tahimik naman, ganun din sa KIDAPAWAN CITY, masigla naman ang night life don, ilang balik nga aq sa KAWAYANAN eh, masarap kc mga barbeque don, nakakamay pa kaya ganado. Nakabili pa sa ka oopen na Chowking. Walang tigil na biyahe, MALALAG naman Davao del Sur, hapon na aq bumiyahe, ginabi na sa daan, pero lakas loob, nag habal habal ako, buti na lang at member ung nasakyan ko. Sa pag puntang STA MARIA ko rin naranasang bumaba nang bus para sa inspeksyon nang mga sundalo! Pero ok naman payapa. Ganun din sa PADADA, pero nakakatuwa sa Davao kc bawat bayan may terminal na sadyang tinitigilan kaya di ka maliligaw! Ang huling biyahe sa BUHANGIN! ang moment dito, ung bananacue sa quezon, marhuya na agad sa kanila, ang tawa ko eh, pero infairness maraming linga. Bumalik din ako sa SAMAL ISLAND na pinakahuli sa biyaheniDward.
Lahat nang ito, ay dahil sa trabaho ko, proud CARDMRI eh! San pa man ako mapapunta, may mga side trip man ako, sigurado na di napapabayaan ang trabaho! Hanggang sa susunod na taon! More places to come! 
Goodbye #BiyaheniDward and welcome #MoreTripniDward

Comments

Popular Posts