BAKIT SINGLE KA PA RIN? Alamin ang mga rason kung bakit?


"Bakit single ka pa?" "Bakit wala ka pang jowa?" "Kelan ka ikakasal?" "Bakit wala ka pang gf/bf?"
"Bakit di ka pa mag pamilya?"

Maraming tanong sa iyo na minsan ay nakakasawa na! Madalas di mo na lang pinapansin pero tinatamaan ka pa rin at bukod sa galit minsan mapapatanong kana lang din. "Bakit nga ba single pa ako?"

1. Obligasyon!
Karamihan sa mga single, nilunod na nang obligasyon! Obligasyon bilang isang anak at kapatid! Sila 'yong mga single na wala nang panahong ma-inlove kasi kelangan magbalik nang tulong sa mga kapatid maging sa magulang. Sila 'yong kapag nagsama lang nang kaibigan sa bahay, ang maririnig, "di pa yan pwede mag asawa may mga kapatid pa yan na kelangan tulungan!" "Anak wag ka muna mag asawa ha? Tulungan mo kami sa mga kapatid mo!"
Iyan ang dahilan kung bakit takot na takot na pumasok sa relasyon, hindi dahil takot magmahal kundi, takot na balikan nang sisi pag di nakatulong sa pamilya. Saludo ako sa mga ganung single! Ang tawag don, mapagmahal lang talaga sa pamilya at hindi sarili lang ang iniintindi.

2. Chussy o may Set of Standard
Ito 'yong mga single na magaganda at gwuapo na sadyang inihahanap nang ka-level ang kagandahan at kaguapuhan nila. Pero aminin mo bes! Ito yong dumarating sa punto na sa pangit din lang napupunta. Sa kahahanap ba naman nang ka level walang nakita, hanggang sa nagmadali na kasi maiiwan na nang biyahe sa pag aasawa.

3. Workaholic!
Ito ang mga single na office-bahay na lang! Sila 'yong mga promotion goal ang effect! Sila 'yong mga ang babata pa, gusto director na agad or assistant vice-president na agad! Resulta, ang hirap na ligawan dahil boss na ang peg bes!
Sila din 'yong mga ma-fried chicken na ang laging wika ay, "ano papalamon nyan sa akin eh malaki pa sahod ko jan? Baka aq pa bumuhay jan!" Pero aminin nyo, pag nainlove yan! Demote ang kasunod kasi napabayaan ang trabaho. Nainlove eh!

4. Barkada
Sabi nang iba, "ang pag aasawa ay nakakasira sa barkada!" May sumasang ayon nga naman! Paano ka nga naman makakasama sa mga lakaran kung sadyang nag aalaga ka nang anak mo, paano na ang mga tour nyo, ang hiking nyo? Ang basketbol ang party linggo? Hassle yon sa isang may asawa na! Barkada din minsan ang nagiging dahilan kung bakit di ka magkaroon nang jowa, kasi tingin sayo basagolero ka, babaero ka! Pag babae naman! Malandi kuno, kaladkarin! Hindi disente! At kung ano anong kasiraan dahil sa uri nang barkadahan! Pero dapat di natin kalimutan minsan barkada din ang dahilan kung bakit may lovelife ka! Marami dyan buong barkadahan sila sila din nagka asawa sa huli!

5. Confused
Ito naman 'yong mga single na di alam kung ano ba sila! 'Yong tipong nahulog sa barkada pero gusto pala ung kauri nya! Walang masama don, ang masama don, 'yong di mo masabi-sabi sa kanya o sa barkada na mahal mo siya! Hanggang sa tinukso kana na bakla! Tomboy o kung ano pa man! Pero aminin nyo mga bes! Maraming ganyan sa paligid! Mga pamenta! Pero kudos sa mga umaamin!! Tingnan nyo sila ang may lovelife ikaw nganga!

Ang ang panghuli...ito ang malupit bes!

6. Nagmahal, Nasaktan! Nagpakasingle!
Ito 'yong mga single na wala nang ginawa kundi mag move-on! Sampung taon na ata ang lumipas moving on pa rin! Pero hindi mo rin kasi masisisi, sila 'yong nabulag sa pag ibig! Sila yong wagas magmahal! Sila 'yong buong puso inialay pero ano? NILOKO lang din! Kaya ang tendency, di na lang magmahal ulit kasi sila ung mga may hugot na...
"Ayaw ko nang masaktan pa ulit!"
"Ayaw ko nang magpakatanga ulit"
"Ayaw ko nang lokohin ang sarili ko na magmahal ulit kahit alam kong kaya ko na"
"Ayaw ko nang umasa na sa bandang huli ipapasa lang din ako!"
At higit sa lahat!....

"Ayaw ko nang magpaka-TANGA!"

Ang ending SINGLE na lang ulit!

kaya sa mga nam-bubully, isipin nyo muna ang nararamdaman nang mga single kung ano ang dahilan bakit sila nananatiling nag iisa!

Karamihan kasi landi at puso ang inuuna, tapos sa bandang huli malalaman nila naghiwalay na pala kayo!

Wala namang masamang magkarelasyon, basta walang sinasaktan at walang ibang taong natatapakan.

- YdwardosExpressions


Comments

Popular Posts