DEAR ATE JUANA: FILIPINA, PINAY, KABABAIHAN!
Dear Ate Juana,
🎵🎼...Ang dalagang Filipina...parang tala sa umaga...🎵🎼... Ito ang paboritong kanta nang lola ko na lagi kong naririnig at nagpapahiwatig kung gaano kagaganda ang mga Pinay. Natutuwa ako dahil kayong mga kababaihan ay sadyang nakikipagsabayan na sa mga kalalakihan pagdating sa iba't ibang uri nang trabaho. Hindi lang kayo ilaw nang tahanan kundi nagiging gabay kayo para liwanagan ang kaisipan nang bawat pamilya. Kayo rin ang isa sa mga may malaking ambag pagdating sa kalidad nang pangangalaga sa bawat bansa na inyong kinabibilangan bilang mga OFW. Kaya nga lalo akong natutuwa dahil panibago na namang trabaho ang naghihintay sa inyo sa katatapos lamang na ASEAN Indian Commemorative Summit na kung saan nagkaroon nang bilateral meeting ang Pangulong Duterte sa Prime Minister Narendra Modi.
Halos $1 Billion investment ang ipinangako nang India at isa na kayo sa pwedeng makinabang noon. Bilang mga OFW na handang lumayo sa pamilya maiahon lamang sa kahirapan, ay nagtitiis ng kalungkutan at hirap para sa kanila.
Subalit nalulungkot din po ako sa inyo, hindi lang para sa mga kapwa nyo OFW kundi sa inyo ring mga kababaihan dito sa Pilipinas lalong lalo na sa mga kadalagahan dahil kayo ang higit na maaapektuhan sa ipinangakong investment na ito. Nalulungkot ako, dahil mismong pangulo pa natin ang hayagang nagpapahayag ng pambabastos sa inyong mga kababaihan.
Nalulungkot ako para sa inyong nararamdaman dahil pagkababae nyo ang tinatamaan. Nakakalungkot na isipin na ang pagiging dalisay nang bawat Pinay at kababaihan ay handang iaalay sa mga banyaga.
Nakakalungkot na ang bawat bansa ay may maling pagtingin sa bawat Pinay na kung saan nagiging simula nang mga pang aabuso at kawalang katarungan sa kanila bilang mga babae.
Natatakot din ako sa inyong pagtanggap nang trabaho bilang mga OFW lalo na sa India, dahil baka ang pagiging Pinay ang maging dahilan upang malaya nilang gawin sa inyo ang di karapat dapat na pagtrato. Natatakot ako na baka kayo ang maging kapalit ng $1 Billion Investment na sa atin ay ipinangako.
Pero alam ko, matapang at malalakas ang inyong loob na labanan ang mga pang aabuso. Alam ko na hindi kayo papatalo kahit mga babae kayo.
Ipinapanalangin ko ang inyong katatagan, ang paging may takot sa Diyos at ang Kanyang patuloy na paggabay sa inyo. Proud pa rin ako na bawat Pinay ang kayang ipagmalaki sa buong mundo.
Gumagalang,
-Ydwardosexpressions

Comments