GAGO KA! ANG PAGLIMOT!

Gago ka! - Ang Paglimot
- YdwardosExpressions

Mula sa simula ay minahal ka
Minahal na walang alinlangan
Alinlangan na itinuloy dahil nakita ka
Hanggang sa dumating ang oras na may nakita ka ring iba!

Saklap! Sakit! Ang tindi nang tama!
Tama sa puso na parang niyuyurak nang tabak
Hindi maihahambing, di maikukumpara
Sa sakit!! Sa sakit nang iyong ginawa.

Gago ka! Gago ka kasi minahal mo rin ako!
Oo alam ko, puso moy tumibok
Tumibok dahil ako ay inirog, minahal nang lubos
Lubos na di ko nalaman kung bakit naubos

Gago ka! Gagong nagparamdam nang iyong lambing
Gago ka! Gago kung paanong halik ay pinatikim
Gago ka! Gago sa init nang 'yong yakap sa aking piling
Gago ka! Gago kung paanong sa iba! Lahat nang itoy binigay rin.

Tanda, kita, kita nang dalawa kong mata
Kung paanong hawak ka, at hinatid pa
Di man lang inisip may nasasaktan ka
Nasaktan dahil sa'yo ay nagpakatanga.

Gago ka! Kung paanong matapos ang lahat sa akiy nagbabalik
pakiramdam at sakit sa'kiy di mo inisip
May pagluhod ka pa, sa bisig sa'kiy kumapit
Pero Gago ka eh, tiwala ko'y iyong inalis.

Gago ka! Gago kung magpaawa sa puso kung nagdurugo
Hiling ko tumigil ka, baka ngusoy mapadugo
Mapadugo at di na tumibok gaya nang aking puso
Dahil kahit kelan pagiging gago mo, di ko malilimot

Kung gaano kasakit nang gaguhin mo ako
Ganun din kaligaya ngayon ang puso ko
Dahil nakawala sa gagong puso mo
Puso mong sumpa ko ay di na tumibok.

Gago ka! Yan ang pinagpasalamat ko
Gagong naglaro dito sa puso ko
Gago din ako na nagtiwala sa'yo
Pero ngayon, pusoy natuto
Sa pagmamahal, puso muna'y huminto


-YdwardosExpressions

Comments

Popular Posts