PASSPORT:Paano ka ba i-proseso?

Expect the unexpected! Yan na lang ang nasabi ko habang naghihintay sa labas nang opisina nang Department of Foreign Affairs.
Sa mga gustong magrenew at mag apply pa lang nang passport, narito ang ilan sa mga dapat tandaan at mga pwedeng maranasan sa oras nang proseso.

1. Requirements.


Kung pupunta ka wag kalimutan ang online appointment with accomplished application form. Kung dumating ka don na wala kang dalang printed copy mula sa online application, maniwala ka bes, hindi ka papapasukin! Nakita ko na yan kay ateng na kasunod ko sa pila. Ayun umuwing luhaan. Paalala bes! 30 minutes bago ang schedule kelangan nasa harap kana nang guard. Bakit? Dahil baka mangyari sa'yo ang nangyari sa akin. Paano? Ganito yon.
Sa larawan makikita na 11:00 to 12:00 ang schedule na nakuha ko, imagine, andun na ako ng 30 minutes ahead! Nagpa xerox na ako nang lahat nang requirements ko para nga sigurado. Pero hindi ko akalain na pagdating ko sa harap nang guard, siyempre maraming nakapila!, at 11:05am base sa relo nang guard! At may pagsulat pa sa logbook, infairness! Ilagay ba naman ako sa batch nang 12:00 to 1:00!!
Ibig sabihin, maghihintay pa ako nang isang oras bago ako makapasok sa loob!

2. Oras at Panahon
Yan ang pangalawang kelangan mo. Hindi pwedeng maglaan ka lamang nang isa o dalawang oras sa pag aasikaso nito. Isang araw hanggat maaari. Mula sa pagbiyahe hanggang sa matapos ka!

Ituloy natin!

Dahil wala naman akong magagawa kundi maghintay at pumila. Nag observed na lang ako.
Ang nakakabuwisit ang dami na naming nakapila para sa 12:00 to 1:00 na batch,
Pero nagtitiis na nakatayo sa pila samantalang ang daming upuan sa loob nang opisina.
Kung pinapapasok ba naman nila para makaupo lahat nang di naman sana nangangawit sa kahihintay! Isang oras! Masakit din sa paa yon bes!

3. Pasencia at Pang unawa.
Itong mga ito ang wag na wag mong kalilimutang dalahin sa sarili mo. Dahil government offices, asahan mo na ang ibat ibang kamalian na tunay na ginagawa! Naranasan ko yan bes!


Infairness may pakialam naman sila sa mga may bata at senior citizens applicant! Isinisingit nila na maipasok! Ok lang tama yon! Batas yon na dapat sundin. Ibig sabihin dagdag sa nauna sa amin sa pila. Ito na nakapasok na!
Imagine sa dami nang tao na naka pila, iilan lang sila na nagpoproseso! Isingit pa ang mga biglaang pasok nang mga backer! Andami naming naghihintay biglang papasok ang isang unipormadong di ko malaman kung empleyado o hindi at ibibigay sa counter ang papel! Si ate naman tinanggap! Kita pa sa mukha at bibig ni kuya na katabi na nagsabi nang mamaya na! Pero tinanggap pa rin! Ito ang hindi maiaalis sa ganitong kalakaran. May mga palakasan. Wala ka namang magawa! Dahil magmumukhang tanga ka lang at pagtitinginan ka lang kung magreklamo ka. Di naman ako ganun para ipahiya ang sarili ko. Ayun nagtiis na lang maghintay! Total sanay naman akong maghintay! Naihugot pa.

Matapos ma interview at makapagbayad, picture taking naman! Na kung mapapansin mo, ang daming booth pero iilan lang ang nagana! Kaya tendency lahat naghihintay!

Isama pa ang mga staff na patayo tayo at patawag tawag lang sa cellphone! Nakakabuwisit diba?

Eksaktong alas 3:00 ng hapon, natapos ako. Pero kung papansin ang proseso.
Mabilis lang daw.
Verification 1 minute
Processing 3 minutes
Encoding 5 minutes
Payment of fees 1 minute

Ibig sabihin! Sampung minuto dapat pala tapos ang proseso! Wag mo lang isasama ang pagpila nang mahaba, pag singit nang mga pinapalusot dahil may mga backer, isama na ang senior citizen, at ang kakulangan nang tao nila at ang mga patay oras nilang ginagawa! Malamang sampung minuto lang talaga!

Nalulungkot para sa iba pang gustong kumuha nang passport.

-ydwardosexpressions

Comments

Popular Posts