WIKANG TAGALOG, KELANGAN PA NGA BA?

Isa sa mga pumutok na isyu ay ang pamimilit ni Robin Padilla sa isang koreano habang nag a-audition sa Pilipinas Got Talent na mag-tagalog nang humiling sa kanya na kung pwede siya gamitin sa kanyang tricks.

Maraming mga netizen ang nag react di lang sa pagpuna kay Robin kundi sa awa na rin sa koreano.

Pero ano nga ba ang punto dito? Kelangan ba talagang mag-tagalog? O kelangan ba tayo ang mag-adjust sa kanila?
1935 pa lang Ayon sa Batas Komonwelt Blg. 184, alam na natin na ito na ang itinalagang Wikang Pambansa natin, kaya marapat lang na gamitin natin. Bilang Pilipino tayo dapat ang unang unang tatangkilik sa kung ano ang meron tayo.
Marami sa atin ay hiyang hiyang gamitin ang Tagalog sa kanilang komunikasyon. Parang bang ikamamatay kung hindi mag e-english.
Aminin natin, tayong mga Pilipino, minsan trying hard din na mag english, at dahil mali mali ang english, tayong mga Pilipino rin ang unang-unang bumabatikos kapag nagkakamali sa grammar. Isa na dito si Xander Ford

Tayong mga Pilipino ang yumuyurak sa pagkatao nang nagkamali, na para bang ang perpekto natin at para bang ganun kalaki ang kasalanan pero ang totoo may batas tayong natatamaan.

Kung sasabihin nyo na medium of instruction natin ang english tama kayo.




Pero hindi natin dapat kalimutan FILIPINO pa rin ang katagang dapat gamitin sa pagtukoy sa Wika ng Pilipinas. Mula sa Kautusang Pangkagawaran Blg. 52,54 noong Mayo 27, 1987 - Mahigpit na ipinatutupad ng mga patakaran nang edukasyong bilingual sa lahat nang paaralan sa Pilipinas.

Malinaw na hindi ipinagbabawal ang mag-Tagalog. Hindi masama na mag-english, dahil kaakibat yan nang pag unlad nang bawat isa. Pero hindi tama na pandirihan o pagtawanan ang pagtatagalog. Hindi tama na bawat mga anak natin, Filipino subject ang pinaka mababang grado sa klase, hindi tama na bawat mga anak ay di turuan nang tagalog, tama si Binoy, nagmumukhang tanga sila sa sariling bayan! Lehitimong Pinoy pero mangmang sa sariling wika.

Ang punto dito, walang masama na mag english, parte nang batas bilang bilingual na bansa tayo, pero wag nating kalimutan na mga Pilipino tayo at Wikang Filipino ang salita natin.

-YdwardosExpressions

Comments

Popular Posts