Isang Buong Araw para ma-Relax mula sa buong Linggong Trabaho? Try mo dito!

Pagod ba sa buong linggong trabaho? 
Gusto mo bang ma-relax bes? Or gusto mo lang mag ehersisyo pang suporta sa diet mo? 

Pero dahil busy ka, wala kang maisip na puntahan na pwede kang magrelax sa buong maghapon lang? O kahit kalating araw lang bes? 
Kung wala ka pang makita? Bkit di mo subukan dito sa Bangkong Kahoy sa Dolores, Quezon? Paano? Madali lang..

Kung pag-gising mo sa umaga at trip mo magpapawis, ok na pumunta dito para mabawasan ang cholesterol mo. Simple lang, 

Mula sa bayan nang San Pablo, sakay ka nang Jeep pa-Dolores, Php 18 pesos lang bes, doon ibababa kana nila sa tapat nang simbahan na kung saan naroon ang paradahan nang mga tricycle. Kung gusto mo namang todo pawis at lakad, go bes! Lakarin mo o takbo! Pero malayo eh kaya sumakay na lang kami. Medyo mataas ang pamasahe hanggang kinabuhayan, mga Php 145 lang naman. Pero unawain na natin kasi iba din nga naman! Imagine puro pataas ang takbo nang tricycle. Hirap din naman bes yong tricycle.
Pagdating nyo sa kinabuhayan doon na pwede na kayo magpapawis.
Mula dito, lalakad kayo nang 2km. Malapit lang bes noh? Kasi sa Sampaloc lake 3.7km yon at nakakadalawang ikot ako don. Kaya sige lakad! 


Along the way, siguradong papawisan kana, pataas eh, good sa mga mahihina na ang tuhod! Lalakas ulit! At dahil pataas, kahit di kna tumakbo, papawisan ka talaga! Kaya wag kalimutan ang  tubig! Habang daan marerelax kna sa simoy nang malinis na hangin at sa tanawin nang mayabong na kalikasan!

Pagdating sa hangganan nang 2km, ito na bes, maghanda kana nang 70 pesos dahil may entrance, private property kasi siya bka for maintenance din.


Then after non, lakad ulit pataas! Pawisan na! Pero malapit na lang naman! Kunti na lang at mararating mo na si Bangkong Kahoy.
Xiempre picture muna, then iwewelcome ka nang mga staff don at kelangan maglog in. Pangalan lang at lugar kung tagasaan ka, at contact number. 
Dahil pagod ka, pwede kang uminom nang sariwang tubig na ayon sa kanila ay may 7.8ph at 13.3% oxygen ayon sa pag aaral.

Pero infairness, masarap ngang inumin! At ang lamig! Dahil napagod, malamang nagutom ka bes! Wag mag alala may cafe' naman sila at may pa-libreng kapeng barako sa unang tasa.





Pwede kang magselfie sa mga simple nilang artwork habang nagkakape at naghihintay nang order!, yes may pagkain don. 


Ang kanilang Mushroom Burger with kamote fries. Masarap siya! Ang mushroom cultured nila. Sapat lang para sa gutom at pagod pag akyat. At charge to experience na rin.
Pagkatapos kumain pwede na umikot sa buong site! Sasamahan naman kayo nang tourist guide para kwentuhan at may mapagtanungan na rin nang mga impormasyon tungkol sa mga amenities nila.




Habang umiikot kami, tanong tanong din, Mula sa 2000 hanggang 6000 pesos ang per overnight stay nila sa mga cottages and rooms, ang room nila hiwahiwalay na maliliit na bahay,  na may mga common CR at may dalawang option na tulugan! Kung gusto mong camping site ang peg meron or sa mismong loob nang kwarto. May mga team building site din sila, pero bring your own host, place lang talaga ang kanila. Along the way dami pa kwento ni kuya, pero yong bulaklak ang tumatak sa akin. 



Dahil busy kaka selfie nalimutan ko yong pangalan pero isinusulong daw yan bilang pambansang bulaklak. Ang Sampaguita raw kasi ay from Mexico. Ito talaga atin na tayo lang ang meron sa Pinas.
Marami pang mga dinaanan, may berry farm..ung wild strawberry na pwede ka mamitas at mushroom center at ang kanilang pavillion. Pero dahil naulan ulan deretso na kami sa isang site na talagang picture perfect.







Sobrang lamig na para kang nasa Baguio or Tagaytay! Ang gandi din nang view na talagang relaxing and refreshing! Tanggal pagod sabi nga! 
Pagkatapos pwede na ulit bumaba lakad pa rin! Dagdag ehersisyo at cooling down na rin.
Pag uwi pwede pang magpicture sa mga daraanan.


Remembrance nang lugar na napuntahan mo na. 
Pagbaba wala masyadong tricycle pero may mga bumababa naman, kunting hintay lang bes! 120-140 pesos sa tricycle mura na para sa tatlo. Pagdating nyo nang Dolores, pwede pa kayong bumisita sa Birhen nang Dolores sa simbahan.




Bilang isa sa sikat na Birheng dinarayo, pwede kang magpasalamat at magdasal at xiempre di mawawala ang selfie moments mo.

Sa murang budget bes, narelax kana, nakapagbawas ka pa nang itinatago mong taba. At higit sa lahat, nakapamasyal ka pa. Kaya kung hanap ay picture perfect din lang naman dito na kayo sa Bangkong Kahoy magrelax.

-YdwardosExpressions

Comments

Popular Posts