Kaarawan
-YdwardosExpressions

Oras! Araw! Petsa! Buwan! Taon!
Edad na dumarating sa atin taon-taon
Di mo man pigilin, di mo hanapin, di mo man hintayin
Kusang daragdag sa edad natin.
Sa pagtukoy ko sa aking sinalita
Itoy kaarawan na aking winika
Winikang sa edad, muli ay tumanda
Tumanda nang muli tampulan nang madla.

Bkit nga ba?
Bakit  ba palaging pinapangambahan
Pinapangambahan, kinatatakutan
Muling pag alala sa iyong pagsilang
Pagsilang nong batang kay sarap balikan.

Marami sa atin ang nagkukunwari
Kunwaring bata pa, ngunit batang isip
Pero bakit? Bakit? Bakit? Natatakot edad ay masambit?
Mukha'y kumukunot at wariy nagagalit
Kapag ang 'yong edad ay biglaang nabanggit.

Minsan naiisip! Naiisip nang 'lingkod ano ang masama?
Masama bang marating ang iyong pagtanda
Pagtanda sa ibang di na mararating, di na masasadya 
Ang rurok na edad, edad nang biyaya.
Biyayang buhay mo, ipagpasalamat
Ipagpasalamat, ipagdiwang na ganap
Kung pwede nga lamang, ay ipagsigawan
Ipagsigawan mong may dagdag na buhay.

Sa buhay mong hiram, ang daming nagdaan,
Problemang minsan ibig nang umayaw, ibig nang pumanaw
Pumanaw! Lumisan o maglaho na lamang
Maglahong biglaan, mawalang tuluyan.
Gayunman datap'wat biglang mai-isip
Sa isip sa puso ay may ginigiit
Ikaw, sila, ako sa mundo'y di sikip
May misyong kelangan, pamilya'y kalakip

Ngayon! Ito ako, andito ako, narito ako
Naritong sa inyo  ay may buong puso na handang mag-alay nang panahong hangga't kaya'y aking iaaalay
Alay na kapalit sa dagdag kong buhay
Buhay na dagdag mula sa Maykapal
Tama! Tama nga! Tamang pasalamat tamang ipagdiwang, ipagdiwang hanggang muli ay makamtan
Makamtan sa taon, taon nang panibagong kaarawan!

-YdwardosExpressions

Comments

Popular Posts