Dear Inay! (Ang Pinaka-magandang Nanay sa Mundo)
Dear Inay,
Napakaganda mo pa rin hanggang ngayon! Ikaw ang
pinakamagandang nanay sa buong mundo para sa akin at walang papalit doon kahit kailan.
Kaya nga dapat lang talaga na binigay ko sa iyo ito dahil deserved mo naman
talaga.
Walang pag-sidlan nang tuwa ang iyong mukha nang matanggap mo
ang pangarap mong bag. Sabi mo kasi dati gustong-gusto mo iyon kaya pinag-ipunan
ko talaga. Halos maluha ka, at sobrang higpit nang yakap mo sa akin halos nga
hindi ako makahinga. Tapos, mas kinagulat mo pa nang pagbukas mo nang bag mo,
ay may nakita kang bungkos nang pera. “Oh my God!, ang dami nito anak??” opo bonus
ko yan para talaga sa iyo yan Inay. Alam ko na hirap ka kaka-budget sa pambili
nang mga lulutuin mong ulam na paborito ko. Ang saya saya mo nang araw na iyon.
Wala tayong ginawa kundi mag-kwentuhan nood nang TV at kung ano ano pa. nilinisan
pa nga kita nang kuko. Nagpa-punta pa ako nang isang masahista para mas marelax
ka sa masarap na whole body massage. Tuwang-tuwa ka kasi sabi mo ngayon ka lang
nakaranas nang ganun ka espesyal na araw. Pinag-ipunan ko talaga yan Inay kasi
alam ko nga na wala ka pa talagang experience sa sosyal na masahe.
Bandang gabi akala mo tapos na ang sorpresa, pero hindi pa,
sobrang saya ko nang makita ka kung gaano ka kaligaya nang makita mo sina kuya
at ate na nasa loob nang kusina at may pabulaklak sa iyo! Di mo kasi naisip na
uuwi si ate mula sa abroad para lang sa simpleng araw na iyon na wala namang
okasyon. Pinaghahalikan mo pa nga sa pisngi sina kuya at ate. May pagsi-selfie ka
pa noon sabi mo, “best day ever!!!” Wala talagang humpay ang yakap mo sa akin
kasi ang saya saya mo. Di ko malilimutan nong nagkantahan tayo Inay! Ay grabe
ang lupeeeeet nang mga kanta mo ang tataas. Ngayon ko natiyak na sa iyo talaga
ako nagmana. Inarkila ko talaga yang videoke para sayo. At ito pa ang
nadiskubre ko sa iyo Inay, ang tindi mo rin pala sumayaw! Dinaig mo ang Momoland
sa lambot nang bewang eh. Pati nga ako napagiling nang kunti lang naman, di na
ako nakipag-tagisan sayo at ikaw yan eh! Nanay kita eh. Dapat ikaw ang star at
supporting lang kami.
Ang dami pang naganap, di ko malilimutan ay ang masayang
kwentuhan natin nina ate at kuya. Wala tawanan lang tayo at mapibadahan lang.
hanggang hatinggabi talaga eh, di nauubusan nang kwento.
Pero ang malupit ay natulog tayo nang magkakatabi at kayakap
ka buong magdamag sobrang baby ako sa inyo nong gabing iyon, bunsong bunso
talaga ako at ramdam na ramdam ko iyon.
Kaya naman uulitin ko ulit itong pagsopresa ko sayo pag bonus
ko ulit. Kaya ngayon pa lang pag iisipan ko na ulit kung paano ko mapapasaya
ang PINAKAMAGANDANG NANAY KO SA BUONG MUNDO!
Sa matagal na panahon na wala ka sa buhay ko ay hindi ko
maiwasang laging asamin at pangarapin na sana ay nandito ka kahit isang araw
lang. Mula 3 years old di na kita nakita, di ko nga tanda ang mukha mo eh. Kaya
madalas mag-imagine lang ako nang mga masasayang araw na sa totoo lang pwedeng
pwede ko gawin sa iyo sa ngayon, pero di ko magawa kasi wala ka naman. Sana andito
ka Inay para masaya at may binabati ako nang Happy Mothers Day sa mga ganitong
okasyon. Kung nasaan ka man mahal na mahal po kita.
Ang Iyong bunsong anak,
YdwardosExpressions
Comments
salamat