#BiyaheniDward: Summer Capital of Antique



Strawberry? Sa Baguio lang yan! Ito ang alam nang karamihan! Pero sa #BiyaheniDward ay naengganyong puntahan ang tinatawag na summer capital of Antique...ang San Remegio.

1. Susuko kaba sa layo ang o lalaban?
Simple lang naman... Kung talagang adventurer ka sigurado mas gugustuhin mong puntahan ito.
Una, kung nasa Antique proper kana bes, aba mabilis na, pero kung manggagaling ka pa nang ibang lugar, kayo na lang mag-adjust, mahirap mag-isa isa. Hehe. Mula Dalipi terminal, (Antique proper) ito ang mga sasakyan at kung magkano;

1. Dalipi Terminal (Antique proper) papuntang bayan nang Sibalom - Php 30 pesos lang mga bes,

Paalala bago umakyat, pwede kayo kumain muna sa Sibalom, pero sa kakahanap namin, burger lang sa Minute ang natagpuan namin.

2. Sibalom terminal (jeep lang bes) hanggang San Remegio town, naglalaro sa Php 25 to 30 din lang...di kc ako nagbayad nilibre lang kami.. Mga around 30 minutes lang.

3. Pagdating nyo nang San Remegio, don may mga Skylab or Habal habal na maghahatid sa inyo papuntang barangay ng Aningalan. Mga Php 150-200 per head sa habal habal.
Habang biyahe bes, ihanda ang pang selfie sa ganda nang view.




Pagdating sa Aningalan, kelangang huminto sa Entrance station para sa enviromental fee na yaka nang bulsa sa halagang Php 85 kasama na ang tour guide. 
Ang sinakyang habal habal ang siya ring magdadala sa susunod na destinasyon kasama na ang tour guide. 

IGBACLAG CAVE

Sa cave na ito maliit lamang ang kweba pero extreme na rin at tamang tama lang sa mga gusto nang mga pictures.












Infairness pinawisan din ako. After nyo dito, maglalakad naman kayo nang mga around 15 minutes papunta sa isa sa pinakamalaking bulaklak.

RAFFLESIA FLOWER

Isa sa maituturing na pinakamalaking bulaklak ay dito sa Antique matatagpuan. Ang aming naabutan na nagbloom ay ang Rafflesia Lobata, di man siya ang pinakamalaki, siya naman ang pumapangalawa...yon ang sabi ni ateng tour guide,..kaya naniwala naman kami. Malayo layo rin ang aming nilakad para lang makita ang pamumukadkad nang bulaklak na ito.





Xiempre di mawawala ang mga paalala na dapat din naman na iniingatan at inaalagaan.
Pagkatapos akala namin tapos na sa kweba...may kasunod pa pala?

BAT CAVE







Nakakatakot sa loob kasi sobrang dilim pero sulit naman...mabaho dahil sa ihi nang paniki pero sulit sa dami nang nagliliparan...di naman ganun karami pero sapat na na may makikita ka...maliliit lang siya di gaya nang iba na malalaki.

Pagkatapos sa Cave next stop is lake, pero di na namin pinuntahan dahil gagabihin na kami, kaya pinuntirya na namin ang Strawberry farm. Pero bago yon may pa-aura kami sa sunset at kabundukan!

Aura sa Takipsilim











And yon deretso na kami sa strawberry farm.








Di pa namumunga pero sapat na para masiyahan kami. Sa mga gustong pumunta, sa December at January tiyak may bunga na.

Marami pang pwedeng gawin dito...may 4 wheels motor na Php 200 ang renta kada 30 minutes, may man made hanging bridge, pwede rin magtransient sa halagang 150 kada tao at pwede rin magtent sa labas nang transient dahil maganda ang mala bohol na tema nang bundok.

Sanay nagustuhan nyo ang pamamasyal sa #BiyaheniDward

- YdwardosExpressions

Comments

Popular Posts