GLORIOUS: KUNG BAKIT DAPAT MONG PANOORIN?



Bakit nga ba dapat mong panoorin ang glorious? Sa dami nang movie na napanood ko, ito ang masasabi kong kakaiba! Ito ang hindi pelikulang di mo pwedeng palampasin.

1. Di kelangan nang sikat na LOVETEAM
Kahit sino nagulat na isang Tony Labrusca ay maipapares sa isang batikang Angel Aquino. Pero sa daloy nang kwento, ibang chemistry ang makikita mo! Mapapangiti at biglang kikiligin na di mo namamalayan... Thumbs up ako sa pakilig na yon.

2. Sobrang HOT pero with a CLASS

Ang lupeeet nang love scene pero di mo kakakitaan nang kabastusan. 'Yong tipong pag aaralan mo pano kinunan. Ang hot ni Angel at Tony, NATURAL! likas ang karisma! Mga matang iba ang kinang pag nagtitigan na! Kahit na punong puno nang mga eksena nang halik at mga lambingan, pinili at pinag aralan upang maging maganda at di lalabas na kabastusan lamang.

3. Galing sa pag-ARTE

Angel Aquino na yan! Pero ang lupeet pa rin nang pag ganap nya! Ibang Angel sa panahon ngayon na maisasabay ang ganung pag ganap. Tony as the new promising actor in the industry, iba din! Kahit pa sabihing artista din ang ama, may sarili siyang way to act perfectly. May talent din talaga. I like the determination! Iba ang paninindigan nya sa istoryang ito.

4. Kakaibang kwento
Ito 'yong kwento na aabangan mo ano ang mangyayari? Hanggang saan ba tatagal ang ganung uri nang relasyon. Ito ang nagpapakita na ang ganitong relasyon ay nag eexist na sa ngayon at nagpapakita na may mga taong di pa rin tanggap na may mga ganitong nangyayari at totoong namamayagpag sa panahon ngayon. Ito rin ang kwento na paniniwalaan mo ang himala nang Maykapal.

5. Ang wakas at pag asa.
Di man may katiyakan pero alam mong darating ang oras ay may kahahantungan, oo, inabangan ko talaga hanggang dulo hanggang matapos ang credit! At yon na nga...kayo na ang bahalang tumuklas....pero alam ko di kayo mabibigo.

Congrats sa team nang Glorious! Parang gusto ko na maging Niko! Parang gusto ko nang hanapin ang Glory ko!

Comments

Hopefully dumami pa ang magread nito!

Popular Posts