SOLUSYON NA NGA BA? UDENA-CHINA TELECOM BAGONG 3RD TELCO
Sa wakas may bago nang Telco na magbibigay nang internet service sa mamamayang Pilipino. Mula sa mga nag bid at sumubok na masungkit ang pwesto bilang 3rd Telco, ito at ang China Telecom ang nakasungkit.
Ano nga ba ang maaari nating asahan sa provider na ito? Maibibigay nito ang pangangailan nang mga pilipino pagdating sa online world at social media enthusiast? Gaano ba kabilis na serbisyo ang ibibigay nila?
Mula sa 6.6 Mbps sa kasalukuyang internet speed, Ang pangako na 17mbs mula sa unang taon, at 25mbs sa susunod na 2 hanggang 5 taon ay matutupad ba?
Ano bang mga promo at serbisyo ang kanilang ibibigay?
Mula sa kanilang bansa, 200 mbps ang pinakamalaki o pinakamabilis na kaya nilang ibigay? Maibibigay din kaya sa atin?
Maraming mga tanong na wala pang linaw. Maraming mga agam agam na di alam kung nakakalungkot o nakatutuwa?
Simula na ba ito nang unti unting pagdomina nang china sa atin?
Ano ang naging lakas ni Dennis Uy at siya ang nakakuha nang 3rd Telco?
Sana lang di napulitika ang resulta nang pagpili nito.
Nag-aabang sa dako pa roon.
YdwardosExpressions
Comments