ALONE/TOGETHER: BAKIT KELANGAN MONG PANOORIN?
"Hindi nasayang ang binayad ko". Ito ang maaari kong unang sasabihin sa dami ng kung bakit kelangan panoorin ang Alone/Together.
Bilang pagsuporta sa pelikulang Pilipino na walang halong pamumulitika...worth na suportahan ito.
Ano ba ang mga tumatak na aral sa akin ng movie na ito?
1. KULTURA AT PAGIGING TANYAG NA PINOY
Ang pagpapahalaga sa sining ay simple pero malalim na pang unawa ang nais iparating. Pinapakita dito na kahit saan ka man o saan pa man, ang kulturang kinalakihan ay kaylanman ay di malilimutan. Kahit na ayawan mo babalik at babalik ka sa kultura at sining na meron at kaya mong ipagmalaki sa buong mundo.
2. KREDIBILIDAD
Ito ang patunay na di sukatan ang taas at kung saan ka nag-aral. Di sukatan ang talino at galing mo noon sa aktuwal na mundo ng mga manggagawa at trabaho. Kahit sino ay maaaring magkamali. Ang diskriminasyon minsan ay sa dalawang paraan. Ang laitin ka dahil sa kabobohan at katangahan mo at ang tanggihan ka dahil sa sobrang taas ng kwalipikasyon mo.
3. UTANG NA LOOB
Minsan, kaya tayo hindi nagiging masaya dahil sa mga pagtanaw ng mga bagay na kaylanman ay di mo maaaring alisin sa iyong pagkatao kahit pa ang kapalit nito ay pansariling kaligayahan mo.
4. PANGARAP
Sa movie na ito matututo kang balikan ang mga pangarap mo kahapon, ngayon at bukas. Aalalahanin mo kung nasaan na nga ba aq ngayon, ano na ang maaaring maging ako sa hinaharap? Dito maaari kang muling maging matapang. Dito mo malalaman kung huli na ba ang lahat o kelangan ko pa bang itutuloy? O mananatili na lang aq sa kasalukuyan?
5. MINAHAL, MAGMAHAL, MINAMAHAL, MAGMAMAHAL!
Sa dami nga naganap na panahon, ang daming mga masasakit sa loob/dibdib na pangyayari. Minahal ang isat-isa! Mga kilig at di inaasahang mga eksena sa gitna ng pagmamahalan. Ganito daw talaga ang tamang Magmahal kelangan mong bitawan para maging mas karapat dapat siya sa iba kahit ang totoo Minamahal mo pa. Hanggang darating ang panahong Magmamahal kana ulit kahit na huli na!
Ito ang movie na di ka pagsisigawin pero bigla kana lang mapapapitlag sa upuan mo dahil sa biglaan eksena.
Ito ang movie na magpapabalik sayo sa mga panahong buong buo ang mga pangarap mo sa utak mo.
Isang pagpupugay kay LIZA AT ENRIQUE nagawa ninyong muli ang mga kakaibang karakter. At xiempre kay Sir Ogie Diaz at sa buong team nakuha nyo ang lalim ng mga pangarap.
Mabuhay ang Pelikulang Pilipino.
- YdwardosExpressions
Comments