MOMO CHALLENGE: MAG-INGAT!, Mga Magulang Gabayan ang inyong mga Anak!

Ano ba itong "Momo Challenge?" na dapat na  iwasan ng mga kabataan lalo sa mga menor de edad? Marami na ang napapabalita sa mga social media at maging sa mga telebisyon at radyo patungkol sa mga pagpapakamatay ng mga bata dahil sa momo challenge na ito.

Isa na dito ang post ng isang ina patungkol sa tangkang pagpapakamatay ng kanyang anak dahil sa games and challenge sa isang apps na kung saan nag aappear ang momo challenge.

Ayun sa BBC nagsisimula ang larong ito kapag ang isang bata ay sumali sa isang facebook group kung saan ang challenge ay magmemessage ka kay Momo, isang larawan na nakakatakot. Mula dito ay uutusan ka ng mga gawain na kalaunan ay pati buhay mo maging bahagi ng hinihingi sa challenge na pinapagawa.
Maaaring sa malalakas ang determinasyon ay di ito magagawa pero sa mga batang laro ang turing dito ay isang nakakapangamba para sa isang magulang.

Isa din sa mga paraan ay ang pagmensahe sa Whatsapp messaging na kung saan ay nagbibigay ng mga numero na ime-message at doon lalabas ang mga larawan ni momo na siyang magbibigay ng order sayo.
Isa pang app ay ang Blue whale app na isang challenge dating game na kung saan lumalabas din si Momo upang magbigay ng mga challenge na buwis buhay sa loob ng limampung(50) araw.

Si Momo ay isang Sculpture sa Japan na tinawag na Mother Bird nong 2016 na siyang ginamit na imahe dahil sa itsura nito na nakakatakot.


Dito sa Pilipinas ay may ilang insidente na, na dapat tutukan at pangambahan di lang ng mga awtoridad bagkus ay ang mga magulang na hinahayaan na lamang na ang mga anak ay maglaro at mag internet na lamang.

Mga dapat gawin ng mga magulang.

1. Huwag maging kampante na kapag ang anak ay naglalaro sa computer at cellphone, ay malaya na tayong iwan sila don. Responsibilidad ng mga magulang na alamin ang mga nilalaro at pinapanood

2. Limitahan o bigyan lamang ng oras sa paglalaro.

3. Ugaliin na buklatin ang mga libro at notebook ng mga anak upang malaman ang mga sinusulat o idinodrawing nito.

4. Wag iwanang mag isa sa bahay lalo kung matagalan.

5. Palagiing magbonding kasama ang pamilya upang mas maramdaman ng bata ang importansya ng bawat kapamilya nya.

Responsibilidad natin ang bawat kaligtasan ng miyembro ng ating pamilya.

-YdwardosExpressions

Comments

Anonymous said…
Yes I agree,,quality time para saber mga anak,,kmuztahin natin cla araw araw,,Tayo mga magulang ang dapat unang nakaka alam Ng nangyayari sa ating mga anak,
Yes po! Dapat talaga nagagabayan ang mga bata!

Popular Posts