TRABAHO ULAM SERYE: HALABOS NA TALANGKA


Ang Opisina parang hapag yan na punong-puno nang pagkain na anumang oras maaaring maubos o maaari rin na may pinaka-huling matitira. Maaring isa kang sabaw na hinahanap nang lahat, o isa kang kanin na di pwedeng makalimutan nang lahat. O maari din na isa kang sawsawan na kukunin lang na pangpalasa sa  pagkain o dukdukan nang kanilang nilalasap na sarap?
Sa dami nang ulam sa Hapag di mo alam kung ano ka ba mga ulam na ito? Minsan ba maalat ka o minsan matamis? O baka naman isa ka sa walang kalasa-lasa?
Karaniwan na sa isang kompanya ang mga isyu na minsan wala ka nang magawa kundi sukuan na lang o talikuran na lang kahit pa nga mahal mo ang trabaho mo.

TRABAHADOR NA TALANGKA
Nong bata ako kapag bumabaha sa ilog na malapit sa aming tahanan ay lagi kaming pumupunta pagkatapos na pagkatapos nang baha.  Sabi nang lola ko marami ang mga talangkang agos ang makikita at maaari mong makuha o mahuli kapag ganung pagkakataon. Kaya naman sinusunod ko lagi at totoo nga. Minsan sa aking pang-huhuli may isang putol nang puno na maraming ugat kung saan ang mga talangka ay nag aakyatan pasalungat sa agos nang tubig, kitang kita ko kung paanong ang mga nasa hulihang talangka ay kapit na kapit sa nauuna hanggang sa nalaglag sila parepareho dahil nahila na  nang iba.

Ganito rin ang mga talangka sa opisina, kahit na anong gawin mong tapat sa trabaho, may hihila at may hihila sa iyo pababa. Sila ang mga sagad ang palabok upang maging malasa lamang sa kanilang mga superyor. Madalas sila ang mga tinatawag na tak-ub nang talangka na wala nang laman. Malakas ang tunog kapag pinatok mo nang tinidor pero sila ‘yong mga walang laman. Karamihan sa kanila ay mga piga o alege ng talangka, na matapos mong paghirapang kunin sila ang makikinabang at masasarapan. Sila ang mga talangka na bibigyan ka nang pagkakataaon na mauna, pero sa huli ilalaglag ka rin pala. Sila ang mga punong-puno nang inggit at galit sa sarili na gagawa nang paraan maka-angat lang sa iyo at maging mabango.

Paano ba lutuin ang mga ganitong uri nang trabahador na Talangka?

Mga Sangkap nang Halabos na Talangka:
1.       Isang Kutsaritang Asin ng Pasensiya.
Maaaring di mo na sila matagalan pero ang isang kutsaritang asin nang pasensiya ay siyang magpapalasa sa tumatabang na kakapalan nang mukha nila. Ito ang magiging bahagi nang kanilang sustansiya na di na nagagamit dahil sa paghila at pagpuna sa iyong mga magagandang ginagawa na para sa kanila ay mali.

2.       Kalahating baso nang Serbesa ng Tapang
Ang kalahating baso nang Serbesa ng tapang ay sapat na para mas maipakita mo sa kanila na hindi ka pwedeng balewalain at apak-apakan lang. Ang tapang na ito ang magiging bala mo para mas gawin ang tama at maging malakas sa bawat gawaing i-aatang o i-pagkakatiwala sa iyo.

3.       Butil nang Bawang, Paminta at Sili ng Pakikiisa at Pagpapaubaya.
Ang mga simpleng butil nang mga sangkap na ito nang pakikiisa at pagpapaubaya ay siyang magpapa-ayos sa samahan sa loob nang opisina. Ang pagpapaubaya sa mga nauna sa iyo ay isang paraan upang maging maayos at di sumama ang loob sa iyo. Ang pakikiisa sa mga gawain at sa mga suhestiyon ay di masama sa minsang pagpayag bilang pagpapakita na rin nang paggalang at pag lagay sa lugar na naaayon sa pwesto o posisyon mo.

Ano mang ulam  sa iyong opisina, palaging isipin na sa pagtikim nito ay mayroon kang mga kasama na maaring may allergy o sadyang diet upang di tikman o kainin ang ulam na ito kahit pa nga ito pa ang pinaka-masarap. Make sense?

Hanggang sa muli nating putahe mga ka Expressions.

-          YdwardosExpressions





Comments

Popular Posts