TRABAHO ULAM SERYE: HALABOS NA TALANGKA
Ang Opisina parang hapag yan na
punong-puno nang pagkain na anumang oras maaaring maubos o maaari rin na may pinaka-huling
matitira. Maaring isa kang sabaw na hinahanap nang lahat, o isa kang kanin na
di pwedeng makalimutan nang lahat. O maari din na isa kang sawsawan na kukunin
lang na pangpalasa sa pagkain o dukdukan
nang kanilang nilalasap na sarap?
Sa dami nang ulam sa Hapag di mo alam
kung ano ka ba mga ulam na ito? Minsan ba maalat ka o minsan matamis? O baka
naman isa ka sa walang kalasa-lasa?
Karaniwan na sa isang kompanya
ang mga isyu na minsan wala ka nang magawa kundi sukuan na lang o talikuran na
lang kahit pa nga mahal mo ang trabaho mo.
TRABAHADOR NA TALANGKA
Nong bata ako kapag bumabaha sa
ilog na malapit sa aming tahanan ay lagi kaming pumupunta pagkatapos na
pagkatapos nang baha. Sabi nang lola ko
marami ang mga talangkang agos ang makikita at maaari mong makuha o mahuli
kapag ganung pagkakataon. Kaya naman sinusunod ko lagi at totoo nga. Minsan sa
aking pang-huhuli may isang putol nang puno na maraming ugat kung saan ang mga
talangka ay nag aakyatan pasalungat sa agos nang tubig, kitang kita ko kung
paanong ang mga nasa hulihang talangka ay kapit na kapit sa nauuna hanggang sa
nalaglag sila parepareho dahil nahila na
nang iba.
Ganito rin ang mga talangka sa opisina,
kahit na anong gawin mong tapat sa trabaho, may hihila at may hihila sa iyo
pababa. Sila ang mga sagad ang palabok upang maging malasa lamang sa kanilang
mga superyor. Madalas sila ang mga tinatawag na tak-ub nang talangka na wala
nang laman. Malakas ang tunog kapag pinatok mo nang tinidor pero sila ‘yong mga
walang laman. Karamihan sa kanila ay mga piga o alege ng talangka, na matapos
mong paghirapang kunin sila ang makikinabang at masasarapan. Sila ang mga talangka
na bibigyan ka nang pagkakataaon na mauna, pero sa huli ilalaglag ka rin pala.
Sila ang mga punong-puno nang inggit at galit sa sarili na gagawa nang paraan maka-angat
lang sa iyo at maging mabango.
Paano ba lutuin ang mga ganitong uri nang trabahador na Talangka?
Mga Sangkap nang Halabos na Talangka:
1. Isang Kutsaritang Asin ng Pasensiya.
Maaaring di mo na sila matagalan pero ang isang kutsaritang
asin nang pasensiya ay siyang magpapalasa sa tumatabang na kakapalan nang mukha
nila. Ito ang magiging bahagi nang kanilang sustansiya na di na nagagamit dahil
sa paghila at pagpuna sa iyong mga magagandang ginagawa na para sa kanila ay
mali.
2. Kalahating baso nang Serbesa ng Tapang
Ang kalahating baso nang Serbesa ng tapang ay sapat na para mas
maipakita mo sa kanila na hindi ka pwedeng balewalain at apak-apakan lang. Ang
tapang na ito ang magiging bala mo para mas gawin ang tama at maging malakas sa
bawat gawaing i-aatang o i-pagkakatiwala sa iyo.
3. Butil nang Bawang, Paminta at Sili ng
Pakikiisa at Pagpapaubaya.
Ang mga simpleng butil nang mga sangkap na ito nang
pakikiisa at pagpapaubaya ay siyang magpapa-ayos sa samahan sa loob nang
opisina. Ang pagpapaubaya sa mga nauna sa iyo ay isang paraan upang maging maayos
at di sumama ang loob sa iyo. Ang pakikiisa sa mga gawain at sa mga suhestiyon
ay di masama sa minsang pagpayag bilang pagpapakita na rin nang paggalang at
pag lagay sa lugar na naaayon sa pwesto o posisyon mo.
Ano mang ulam sa
iyong opisina, palaging isipin na sa pagtikim nito ay mayroon kang mga kasama
na maaring may allergy o sadyang diet upang di tikman o kainin ang ulam na ito
kahit pa nga ito pa ang pinaka-masarap. Make sense?
Hanggang sa muli nating putahe mga ka Expressions.
-
YdwardosExpressions
Comments